Me... as a student
This pandemic really brought a lot of changes in our lives. Lahat naman siguro. Nandyan yung may mga bago tayong bagay na nadi-discover na pwede nating gawin na bakit hindi pa natin ginawa dati. Yung mga bagay na hindi naman tayo sanay gawin pero ngayon, additional experience na. Like most of the people na kilala ko, nagkaroon sila ng time na ipagpatuloy yung pag-aaral nila and that thing same goes to me. since work-from-home naman at hawak ko ang oras ko, why not try to enroll for my masters since isa na rin naman s'ya sa requirements for promotion. medyo late ko na din naisip talaga kasi naramdaman ko na parang napag-iiwanan na ako ng mga kasamahan ko. Still on my Teacher I postion kahit na nasa 8 years na ako in service at yung mga bagong teacher, ayun promoted na to Teacher II and III because of their credentials. Naisip ko lang na kung sila nga, kinaya, why not me? So i decided to enroll. and believe me, super na-missed ko yung pakiramdam na maging studyante ulit. I feel the excitement and a little bit of kaba kasi ba naman day 1 pa lang, introduce yourself tapos reporting na agad. alam mo yung pakiramdam na parang bumalik ka ng high school tapos ang professor mo, gusto English speaking the entire period. windang di ba. But luckily, I survived the first semester. and now, I'm doing well naman sa second semester. Idagdag pa itong journey ko sa CVAP. first week pa lang, napalunok na ako sa mga assignments na kailangang gawin. Everything to me is new. Pero keri lang. For I know na magagamit ko din lahat nang matututunan ko dito to improve my skills as a teacher as well as a Voice Artist. Wish me luck na makatapos sa lahat ng assignments.
With the one and only VoceMaster, Mr. Pocholo de Leon Gonzales. My First week experience in the program
Take the risk or Not?
“Someone out there needs to hear my voice!”
Everyone of us has a unique voice. It is just up to us how we will use it. Yung super inspired ka sa mga testimonies ng mga graduates sa program tapos napabilang ka pa sa mga posible na maging certified voice artist. Super honored and thrilled at the same time. Ngayon ko lalong na-appreciate ang boses ko. For I know na malaki ang magagawa nito para lalo kong ma-inspire ang mga students ko, specially sa storytelling, since yun naman talaga yung gustong gusto kong gawin. hindi lang talaga ako marunong magpalit-palit pa ng mga boses kaya mas gusto kong pagtuunan ng pansin yun and I know na with CVAP, I can use the full potential of my voice.
Recent Posts
See AllMy life as I continue to pursue my passion as a Voice Artist. To tell you frankly, to be a professional Voice Artist is not my childhood...
Comentarios